Tuesday, September 14, 2021

An Ode to Marital Bed

 

Your quiet sheets are lies
so is your sweet scent of fabric
and the once moonlit frame
now hides the violence
of lovers
punishing the wood and fabric
with thrusts and cries.
For how long can you endure
the absence of tranquility
so frequently visited, while
every night the moon light shines
on lovers
who struggle to keep the interlock
of bodies held in you?
The headboard often rammed by two
physical bodies colliding,
your legs might soon give way to the truth.

Oda sa Computer Display

 Ito lang ang batid kong gawin -

Titigan ka na mistulang nagayuma ng

iyong sinag.


Ah, liwanag mong parang buwan sa gabi

at mukha ko ay tila salamin

ng iyong mga kulay.


Hindi lahat ay wiling masdan

ang maliwanag mong anyo,

na pinamumuti ang balat kong maitim.


Magiliw pa nga kitang hina-haplos

minsay's pini-pindot-pindot,

hindi maalis sa labi ang ngiti.


Hindi Na Ako Tatakbo

 Abot-tanaw na ba ang katapusan ng simula ng pangakong 

babaguhin o gagaguhin, bagaman magka-singtunog, huwag

kang lumingon sa iba, ibang pangako ang maririnig

o mapipinid sa loob ng silid na may mga huntahan at

katuwaan habang hinahati-hati ang inaakalang yaman

na kikitain dahil sa paniwalang walang papansin

o susuri ng masinsin sa mga salaping tinapal sa palad

ng nagdadahop sa pag-asa. Malayo pa nga ba ang

kasapatusan o pagod na lang ang paa sa pagkalito

kung saan nga ba hahabol, masakit ang mga batong

tumusok sa talampakang mapagtiis? Para nga namang timpalak.

Bago pa magsimula, may magsasabi na,

"Hindi na ako tatakbo."