Dati-rati, sa panaginip
kumikilos ng kusa ang isip,
hinahabi ang mga salitang lumulutang,
parang kulambong na hindi lumilisan
hanggang ihulog nito ang ulan
sa lupang kailanman hindi naging handa
sa pagsalubong o sa pag-tipon nito
sa kaniyang mga konkretong lansangan.
Wala ng pag-gising sa hating-gabi,
kung saan ang diwa ay basang-basa
sa mga kaisipang nalikha sa paghimbing,
at iniahon ng pagbangon mula sa higaan.
Wala ng init sa dibdib na parang alinsangan
na hindi ka magawang mapakali,
naghahanap ng ginhawa, ng malamig na hangin
o tubig sa katawang nagi-init.
Sa labas ay patuloy ang buhos ng ulan,
habang sa kalooban ay naghahanap ng dilig.
Tuesday, October 19, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment