Thursday, January 26, 2017

Ang Totoo, Oo

Malay ko ba, isang araw mag-eyeball tayo
at hayun parang nag-stop ang aking mundo,
ang panahon nag-fast forward, naiwan ang lahat,
ako, kasama ka, nag-punta sa future natin.

Masaya at hindi ko mapigil ngumiti pero parang
plastic balloon na tinusok ng pin heto uli ako 
sa ngayon. Nasa harap kita, nagtataka.
Bingi ba ako? Nakikipag-usap ba?

Sorry naman. Narinig ko, sinabi mo ngalan mo.
Feeling heaven lang ako. Hindi ko pa masabi, 
sinama kita sa future natin. Maganda, masaya siya.
Sana sa susunod, talagang kasama ka na.

Pasensiya na, iniisip mo ayaw kong bitawan
ang iyong kamay. Hawak ko pala kanina pa.
Pero ang totoo, oo.