Tuesday, August 19, 2025

Natulog

mayroon bang makakabatid

sa lumbay na dulot ng mahal

na lumisan na sa daigdig

na hindi na magagamot


ang pangungulilang manantiling mapait?

ilang luha ba ang aagos

sa mukha upang alisin ang waring tabak

na nakabaon sa dibdib


na nagbura ng mga pangarap

parang tubig dagat sa mga naukit sa buhangin?

anong magagawa ng pagtaghoy

sa araw o gabi


ngayong wala ka na sa piling

may kaaliwan ba sa iyong ala-ala

di ba lalo lamang umiigting?

kay daming pagsinta sana'y nabigkas


at narinig ng iyong tainga

at sa iyong puso'y nanahan

nguni't ang mga awit ko't tula

sino na ang makikinig?

Tagulan

"Charlie, it’s over." 
Bakit ka nagpaalam at nanlamig 
ngayong tagulan man din 
Sa buwan ng Mayo na laging 
basa ng ulan ang lansangan 
Dito pa sa Paseo Starbucks 
Kung saan kitang-kita ng lahat 
Ang aking pagbabagong-anyo 
Pati capuccinong mainit sa kamay 
Pumaso pa? 

 "Charlie, I'm sori, got to go na." 
Tumayo ka na at ako'y iniwan 
Ano pa bang masasabi 
Di ako type na pumipigil? 
Bumuhos na naman ang ulan 
Sa salamin ay sumilip 
Di makita dyipni, bus, at tao sa labas 
Humahampas ang hangin (Nainis sa sarili, 
ang aking payong kung bakit ko iniwan) 

Si Bamboo umaawit sa aking tainga. 
Bakit naninikip ang dibdib at 
Nagbabaga ang mga mata? Buntong-hininga, 
Isa pa, isa pang muli baka guminhawa. 
Tumahimik na ang tugtog sa tainga. 
Di ko malay kung sa akin 
Ay may tumitingin ba 
Napako yata ako sa silya 
Kung ilang oras di ko natantiya 
Madilim na, nagsindi na mga ilaw 
Sa mga poste ng Paseo 
Tumigil na pala ang ulan 
Masikip pa rin ang lansangan 
Parang dibdib na naulila sa sinta.

Tuesday, August 12, 2025

Another Work Week

It's 7:30am on the digital clock.

It does not do the sound of tick-tock

but the lack of urgency is in my mind.


The charts are magnetized 

on the board like decorations 

and art works of letters and colors.


This new routine is pre-programmed,

unlike an AI machine learning 

from the data of the daily grind. 


What happens next

is predictably sequential,

but each one consequential.


Play 'Hotel California'

on the Bluetooth audio 

from Spotify's playlist,


play it loud like in a concert,

while all the tasks are screaming 

to get started.


A good bath could wash away 

the distractions of last night's

Netflix multi-episode viewing.


Like a countdown,

I sip my cup of decaf

with Maalox pills on standby.


First, I will remove all things 

from the book shelf,

as if packing up again, 


Drop all in a box.

But this is a different work week,

I just put them back again.


My checklist looks like a recipe

but I am not cooking 

any thoughts today.


I just fed the day 

like yesterday. Repeat

with the same to-do list.


'China Grove' is playing

and I feel alive,

feeding the tasks their meat. 





 



 


Monday, August 4, 2025

Not Enough

These are boxes where all

of one's memory 

is unfit to store.


I saw men with paint brushes, 

hammer, chisel, and some garment,

placed inside the box.


I saw rows of boxes 

all painted white, with curves,

shaped like flowers on wood.


They affixed handles, 

some of plain wood, 

others of gold.


No matter the finish,

the curves, and the shine

of silver or gold


The box is not enough to fit

for all the memories to store.